Wednesday, August 03, 2005

Pustahan, may di makatitiis!!!!

Sa pagiisip nakahanap ako ng dahilan upang magmukmok. Lahat ng bagay binibigyang dahilan, lahat ng tanong na “bakit” ay pinag-iisipan. Pero bakit nga ba? Kahit ako nagtataka, kung bakit ko pinagaaksayahan ng panahon ang pagmumunimuni. Kung sa tuwing matatapos ang session ko dito, ay wala naman talaga akong napapala kundi mas maraming tanong na babagabag sa akin. Sa gitna ng komosyon, at pamomroblema minsan, wala nang ibang puwedeng gawin kundi ang mag bunting-hininga… na para bang kasabay ng hangin na lalabas sa ilong ko ay maglalabasan na rin ang solusyon na hinhnap ko. Parang magic, pero hindi . nakakapagod na rin kasi ang palagiang pag-iyak at pagsasabi ng mga katagang “ gusto ko nang, mamatay”, dahil habang sinasabi ko ito napapansin kong lalo lang humhaba ang buhay ko. Naisip ko rin tuloy, masarap balikan ang kabataan pero hindi ang kabataan ko, dahil sa pagkakatanda ko bata pa lng ako, marami na rin akong tanong tungkol sa buhay. Pero bakit ang ibang bata, para bang wala silang alalahanin, kundi kumain, maglaro, matulog, managinip, gumising at kumain ulit. Pero maliban dun, hindi mo sila makikitang nagmumukmok dahil wala nang pera, umiiyak dahil iniwan ng jowa, nangangalumbaba dahil pakiramdam nila’y wala nang saysay ang buhay. Dapat pa nga bang isipin kung ano ang saysay ng buhay, kung wala naman talaga?? Hindi bang puwedeng mabuhay ang tao dahil lang sa kailangan niyang mabuhay at hindi dahil kailangan nyang tumulong sa kapwa, sumamba, umibig, umiyak, kumain, tumawa, umutot, tumae at mamatay? Lahat ba talaga ng bagay ay kailangang may silbi? Sa pananaw ko lang naman, hindi maganda ang nagiging epekto ng paghahanap na yan sa katuturan ng mga bagay-bagay, ang iba nga diyan hindi na nkayanan at nagpatiwakal na lng, yung iba naman nandun sa isang sulok ng selda ng mental at iniikot-ikot ang daliri sa hibla ng buhok habang nakikipag usap sa pader o malamang sa kuto nila sa ulo. Pero ano ba ang napala nila? Hindi ba wala rin?? Masyado lang ata nagiging dramatiko ang mga tao habang tumatanda, sobra kung mag-isip sa kahalagahan nila sa mundo… ang tanong mahalaga nga ba tayo sa mundo? Pag namatay ba tayo eh titigil na ang pagikot nito? Sa totoo lang wala naman akong makitang kahalagahan ng tao sa mundo, maliban nalng siguro sa ecosystem kapag namatay na tayo ay tiyak na mas maraming sustansya ang makukuha ng uuod at lupa sa naaagnas nating mga katawan.

Sabi nila... ”No man is an island”, ewan ko totoo ba??? Kung totoo nga, edi sana lahat ng tao kapag ipinapanganak ay may kakambal. Pero hindi naman ganun, hindi ba? Marunong na rin tayong umiyak nang mga panahong iyon, ang hindi ko lang maintindhan kung bakit habang tumatanda ang tao at mas magaling na syang umiyak, e duon pa niya kinailangan ng karamay. Isa pa sa napansin ko ay ang bata kapag umiyak halos isigaw sa buong mundo ang nararamdamang sakit... pero pag matanda ka na ni ayaw mong marinig ng lamok ang mga hikbi at pilit tinatago ang sakit hanggang sa maging bahagi na sya ng sistema ng isang tao. Hanggang sa kanya na rin umiikot ang mundo mo. Bakit? Bakit nga ba? Kung sana alam ko ang sagot, edi hindi na ako magsusulat ng mga ganitong walang katuturan... pero gaya ng nsabi ko na nuon pa man, mas madali siguro ang buhay nating lahat kung hindi na tayo magiisip, kaya wag nyo na rin balaking magisip at magkomento pa rito!!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home